minsan, may mga bagay na nakakainis.
minsan, may mga taong nakakainis.
minsan, talagang may mga bagay na nagpapakulo ng dugo.
minsan, talagang may mga taong nakakapagpakulo ng dugo.
pero pag tiningnan mo, mas maraming bagay ang nakakapagpasaya sayo.
yun nga lang, hindi mo alam na nakakadagdag siya ng kulay sa buhay mo.
tulad ng..
TV!
oo, mababaw, pero TV talaga ang gusto kong example ngayon.
isipin mo ang buhay na walang TV.
kakayanin mong mawala. masasasabi mong mabubuhay ka kahit walang TV.
pero pupusta ko parin, di ka tatagal ng walang TV.
kasi araw araw mong maririnig sa mga taong kasama mo
ang mga nakakatawang commercials. o kaya, ang pagtadyak ni marlene kay ingrid. ang pagkaka-aksidente ni coco martin. ang rating ni noynoy sa bagong poll.
hindi pwedeng hindi ka macurious. hindi pwedeng hindi ka mainggit. at hindi rin pwedeng hindi mo gustuhin.
naranasan ko na ang walang TV.
nabuhay naman ako ng 3 taon ng di masyadong nakakaranas ng TV.
at marami akong natutunan sa mundo. marami akong progress sa buhay. tulad ng pagbabasa ng libro. naging fast reader ako. naging maabilidad ako sa ibang parte ng buhay. natuto ako ng gawaing bahay--dahil wala na akong ibang magawa. at marami pang iba.
pero kahit na sabihin kong maraming progress sa ibang parte ng buhay ko,
mas marami naman ang lumagpak.
wala akong masyadong alam sa current events. kulang ang social life. at kulang sa drama ng mga teleserye. kulang sa kwento. basta may kulang.
ang masasbi ko lang, kulang talaga ang buhay ng walang tv. kahit sabihin mong wala kang tv, kung may internet ka naman, pareho lang yun. dahil nakakanood ka parin sa internet ng mga pinapanood sa TV.
yan ang buhay ng may tv at ng walang tv.
P.S. ngayon, ang "TV", pwede mong palitan ng kahit anong bagay. pwede yang maging kaibigan o ka-ibigan. pwede mo ring gawing kapatid o kinakapatid. pwede mo ring gawing lab o hope. pwede ring fun o stress. at lalo na sa lahat, pwede yang SAYA o LUNGKOT.
well, sabaw na ko. kahapon pa. umiikot na rin yung paningin ko sa radiation. umuusok na pwet ko kakaupo sa harap ng pc. lumalaki puson ko kakainom ng triple shot espreSSSo na kape. at nababawasan ang brain cells ko kakaisip. kelan ko ba matatapos tong thesis na to? hahaha
master_erfy

badhairday

strider_hiryu

go yay!!! thesis thesis!!! fight fight lang! hehehe
badhairday

fight fight
im a creep (guest)